September 21, 2024

LALAKING IKAKASAL NA SANA PISAK SA TRUCK

Kasabay ng pagpasok ng unang araw ng Abril, halos gumuho ang mundo ng pamilya ng isang lalaki na nakatakda sanang ikasal matapos na masawi ito sa kinasangkutang aksidente.

Nakilala ang biktima na si Alberto Balano Jr., 38-anyos na residente ng Tamugan, Marilog District.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, habang nagmamaneho ng kanyang motor ang biktima sakay ang kanyang mapapang-asawa na si Melejay Hermoso, nabangga sila ng truck na sumusunod sa kanila sa Fausta, Calinan nitong lungsod.

Ligtas sa aksidente ang bride to be ngunit nasagasaan ng truck si Balano na idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Sinasabing dalawang linggo na lang sana bago ang pag-iisang dibdib kung saan naghahatid na ng kanilang mga invitation cards ang mga biktima nang mangyari ang aksidente.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang pamilya ng biktima at labis din ang pangungulila ni Melejay sa sinapit ng kanyang mapapang-asawa.