September 21, 2024

PACQUIAO-CRAWFORD BOUT SA JUNE 5 SA ABU DHABI, PINAPLANTSA

Tiyak na ang muling pag-upak ni Pinoy boxing icon Manny Pacquiao (62-7-2, 39 KO’s) ngayong taon. Ang hinihilot na ilalaban sa kanya? Walang iba kundi si Terrence Crawford (37-0, 28 KO’s).

Kung matutuloy, ito ay idaraos sa Abu Dhabu sa June 5, 2021. Sinasabing maaaring si Crawford na ang huling misyon ni Pacman. O kaya’y una sa huli bago siya magretiro.

Ayon kay Mike Coppinger ng The Athletic, naglatag pa ng bidding ang Abu Dhabi para doon gawin ang laban.

Dahil malaki ang prize purse, tiyak na may possibility na maikasa ito ayon sa ESPN.

Kung di naman, ang Plan B na lalabanan ni Crawford ay si Shawn Porter. Sinabi naman ni Top Rank Chairman Bob Arum, i-aanunsiyo nila ang development sa dream fight na ito this week.

Hati naman ang opinyon ng boxing fans sa ikinakasang bout. Ayon sa iba, mahihirapan o baka matalo ang 42-anyos na Fighting Senator sa 33-anyos na si Crawford.

Pero, sabi ng iba, huwag maliitin si Pacman. HIndi ito basta kakasa sa isang boxing match kung sa tingin niya ay di siya uubra.

Ika nga ni coach reddie Roach, “He can still pull a trigger.”