Muling nagningning Filipino karateka na si James de los Santos. Ito’y matapos masipa gold medal sa Katana International League #2.
Ito na ang ninth gold medal na nasikwat ni James sa e-kata tilt. Tinalo nito sa elimination ang pambato ng France. Gayundin ng USA at England.
Ginapi niya sa finals ang pambato ng Switzerland na si Matias Moreno. Kung saan naitala niya ang personal record na 27.44 kumpara kay Moreno na 26.32.
Samantala, 2nd place naman siya sa Metro Body Star Kumu Campaign na may total na 17.88.
Nitong nagdaang weekend, nagwagi rin si James sa e-kata. Kung saan ginapi nito ang pambato ng Romania na si Andrel Nedelcu, 24.3-24.0 sa finals
Ang current world no.1 e-kata athlete ay ginawaran ng award para sa sports excellence kamakailan. Ito ay ang Gawad Lasalyano.
“Thank you again to my alma mater, De La Salle University – Manila, for the award and recognition!” ani De Los Santos.
More Stories
Santor, Maleeka, Melencio humakot ng ginto sa COPA swimfest sa RMSC
Kauna-unahang invitation golf tournament ng Pampanga Press Club, umarangkada na!
JRC, DMC at JC2… BASKETBALL SUMMER CUP 2024 SA NEW MANILA, QC