November 23, 2024

SALUDO AT HIGH FIVE KAY PBGEN. ALBERT IGNATIUS FERRO

WALANG iba kundi ang Punong Ehekutibo/ Commander-in-Chief  Pres. Rodrigo Duterte ang lumagda ng kaukulang promosyon ng ngayon ay Police Brig.Gen. Albert Ignatius Ferro –  ang energetic na pinuno ng CIDG.

Pinagtibay ito ng kalatas kay DILG Secretary Año  na effective immediately  upon receipt kamakailan lang.

Dahil sa ganitong tiwala at pagkilala kay Gen. Ferro mula mismo sa Pangulo, aniya ay lalo pa niyang paiigtingin ang kanyang sinumpaang tungkulin partikular sa pangangalaga ng kapayapaan sa  bansa.

Ang kanyang pinamumunuang dapartamento ng Kapulisan ay lalo pang  lalawig ang kampanya kontra masasamang elemento nang lipunan  lalo na iyong mga  halang na mga dayuhan sa  kooperasyon ng lahat nang galamay nito sa buong kapuluan upang malambat ng mahabang kamay ng batas ang mga salot at perwisyo sa tao at mga ari-arian pati kapaligiran.

No dull moments ang operatiba nito upang makamit na ang tunay na katiwasayan, kapanatagan ng loob ng mamamayan at kapayapaan ng ating bansa ayon na rin sa direktiba ni PNP Chief Debold Sinas.

Ito kasi ang plataporma  ni PDigong sa sambayanan ang malasakit sa peace-loving Filipinos.

Hindi uso kay Gen Ferro ang ‘ningas- cogon kaya humanda na ang mga pesteng elemento sa ating sambayanan.Saludo ang korner na ito sa inyo..congrats and more power BGen.Ferro SIR! Lowcut: Nitong  mga nakaraang araw ay walang puknat ang pagtugis at paglambat ng operatiba ng CIDG sa iba’t-ibang bahagi ng bansa partikular sa mga lungsod kung saan ay pawang mga big fish na kriminal ang bumagsak sa kanilang galamay tulad ng mga  most wanted persons, mga mandarambong, organized  syndicates, sa droga at iba pang epektos, lokal at dayuhang swindlers  na estapador at scammers, rapists at mga dayuhang  sumisira ng marine wealth para sa napakalaking pera sa mga taklobo. Naisalba dito ang potensyal na  masamang epekto sa livelihood at sa ekonomya.Iyan ay dahil sa no- holds – barred na pamumuno ni BGen Ferro. HIGH FIVE SIR!