November 23, 2024

COVID-19 EFFORTS NG CDC, KINILALA NG COA

CDC EMPLOYEES, OFFICERS RECOGNIZED FOR COVID EFFORTS.  Pinangunahan ni Clark Development Corporation (CDC) President at CEO Maniel R. Gaerlan (ikaapat mula sa kaliwa) ang awarding ng certificates of commendation para sa mga opisyales, empleyado at department ng CDC na naging bahagi sa pagpigil at paglaban sa COVID-19 sa Clark Freeport. Makikita rin sa larawan sina (mula kanan pakaliwa)Assistant Vice President for Business Enhancement Department Atty. Noelle Mina Meneses, CDC Health and Sanitation Division (HSD) Senior Officer Engr. Filemon Angeles, CDC-HSD Manager and Task Force COVID- Clark Safe Haven Medical Group Director Dr. Clemencita Dobles, Assistant Vice President for Business Development Department II Rodem Perez, CDC Tourism Promotion Division (TPD) Manager Noemi Julian, Assistant Vice President for Business Development Department I Thelma Ocampo, at CDC –TPD Assistant Manager Elenita Lorenzo. (CDC-CD Photo)

CLARK FREEPORT – Kinilala nitong kamakailan lang ng Commission on Audit (COA) ang mga pagsisikap at mga inisyatibo ng Clark Development Corporation (CDC) upang mapigilan at labanan ang COVID-19 pandemic.

Sa ginanap na unang flag-raising ceremony ng state-owned firm ngayong 2021, ibinahagi ni CDC President at CEO Manuel R. Gaerlan na pinuri ng COA ang istratehikong hakbangin na ipinatupad ng CDC-COVID-19 team.

Sa nasabing pagkilala, binati ni Gaerlan at hinimok ang mga empleyado na patuloy na magbigay ng kalidad ng serbisyo sa lahat ng stakeholders kahit nahaharap sa maraming pagsubok.

“Congratulations to all our honorees and awardees. Marami sa atin ang nagtulong tulong at nag-contribute nitong pandemic but the team of Dra. Dobles (tumutukoy sa Health and Sanitation Division (HSD) sa pamumuno ni Dr. Clemencita Dobles), they were even commended by the Commission On Audit for a job well done,” aniya.

Samantala, pinangunahan din ni Gaerlan ang paggawad ng certificates of commendation sa iba’t ibang grupo ng CDC dahil sa kanilang naiambag sa matagumpay na pagpapatupad ng COVID prevention measures at aktibidades.

Sa kanyang bahagi, kinilala ng CDC Vice President for Admnistration at Finance Engr. Mariza Mandocdoc ang CDC departments, executives, at officers na nanguna sa paglaban sa pandemya.

Kinilala rin ang mga tanggapan at divisions tulad ng Corporate Social Responsibility and Placement Division (CSRPD), Public Safety Division (PSD), Purchasing Division, Health and Sanitation Division (HSD), Accounting Division, Treasury Division, Information Technology Department (ITD), Property Management Division (PMD), Human Resources Division (HRD), Communications Division (CD), Engineering Services Group (ESG), Assets Management Division (AMD) at Transportation Section.