UMABOT na sa 55 Baranggay sa Pasay ang isinailalim sa localized enhance community quarantine (LECQ) matapos tumaas ang bilang ng mga nagpositibo sa nakakamatay na coronavirus disease o Covid-19.
Ayon kay Rodora Pinlot spokesperson ng Pasay Command Center mahigpit ang ipinatutupad sa mga barangay na apektado ng localized ECQ.
Hindi rin pinapayagan na pumasok ang mga riders sa mga baranggay na may dalang pagkain kung walang maipakita na bagong resulta ng swab test na negatibo sa Covid-19.
Pinapayagan naman ang mga residente ng barangay na may trabaho na lumabas at pumasok kapag may maipapakitang quarantine pass.
Sa ngayon ay magsasagawa ng inspeksyon ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Pasay sa pangunguna ng command center at Pasay Police ngayong alas-8:00 ng umaga sa ilang barangay partikular sa Brgy. Villamore na inilagay sa localized enhance community quarantine. (Balita ni RUDY MABANAG)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY