NASAWI ang isang 32-anyos na rider matapos sumalpok ang kanyang minamehong motorsiklo sa isang Ford Ranger pick-up sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Paul Michael Abalaza, ng 110B Capaz St. 10th Avenue, Brgy. 63 ng lungsod.
Kusang loob naman na sumuko sa pulisya ang driver ng Ford Ranger Pick-up na kinilalalang si Dave Raniel Famero, 26, site engineer at residente ng 39 B3 L3 Servants of Charity Tandang Sora Quezon City.
Sa isinagawang imbestigasyon ni Caloocan traffic police investigator P/Cpl. Dino Supolmo, tinatahak ni Famero ang kahabaan ng B. Serrano Street patungong EDSA habang tinatahak naman ng biktima ang kahabaan ng 7th Avenue patungong Rizal Avenue Extension.
Pagdating sa Intersection ng 7th Avenue at B. Serrano, Brgy. 109 dakong 10:20 ng gabi ay aksidenteng bumangga ang minamanehong motorsiklo ng biktima sa kanang bahagi ng pick-up Ford Ranger na minamaneho naman ni Famero.
Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima mula sa motorsiklo at bumagsak sa simentadong kalsada kaya’t agad itong isinugod sa naturang pagamutan subalit, hindi na ito umanbot ng buhay.
Iprinisinta naman si Famero sa inquest proceedings sa Caloocan City Prosecutor’s Office para sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.
More Stories
RECTO NAKATANGGAP NG SUPORTA MULA SA LORD MAYOR NG LONDON
17 BuCor Custodial Inspectors graduate na sa Advanced Training Program
MGA PRODUKTONG GAWA SA BICOL, BENTANG-BENTA SA OKB REGIONAL TRADE & TRAVEL FAIR