NAPAMAHAL na para sa isang dayuhan ang kultura at katangian ng mga Pilipinong naging bahagi ng kanyang buhay at nakahalubilo sa kanyang pananatili sa bansa na itinuring na niyang ikalawang tahanan.
Dahilan nang mabuting pakikitungo sa kanya ng mga Pinoy ay sinusuklian naman niya ito sa paraang abot ng kanyang kakayahan sa anumang larangan.
Magmula noon hanggang ngayon ay patuloy ang taos- pusong pagsuporta ng Japanese national/ Philippine- based na si Keiji Katayama partikular sa sport na baseball sa Pilipinas.
SI Katayama ay dating baseball varsity player sa kanyang hometown sa Japan at potensyal na maging pro- player sa kanilang bigtime major league ay naagaw ang ambisyon nang pagiging executive nya ng isang multi- national sports company na nakabase sa bansa.
Dahil nananalaytay sa kanyang dugo ang baseball na numero- unong pastime sports sa Japan kung kaya sila ay world caliber, ninais niyang i- share ang kanyang expertise sa mga Pilipinong itinuring na niyang ka-pamilya.
Optimistiko si Keiji na kayang mag-excel ng mga Pilipino sa naturang sport tulad ng mga Japanese lalo pa’t halos magkatulad lang sa pisikal na katawan at tindig pati liksi sa tamang training, exposures , teknolohiya at resources.
Nakapaglalaan ng kanyang panahon sa sport si Keiji tuwing weekends at holidays kaya nakapaglalaro siya sa commercial leagues , nakakatulong sa collegiate at national team bilang coach at consultant at naitatag niya ang Katayama Baseball Academy Philippines para sa mga batang Pinoy bago ang pandemya.
Ilan sa mga markadong naiambag ni Keiji sa larangan ng basebal bago ang krisis sa Covid ang mga isinawalat nito
“I’m happy and honored to be part of the champion Philippines-as deputy coach- in international tournament-SEAGames 2019
;Men’s National team tryout for World Baseball Classic Qualifiers (Jan, 2020;U18 tryout for Asian baseball championship (Feb, 2020; I took Paulo Macasaet to Osaka Japan to have tryout of Sakai Shrikes/ Japanese independent baseball league (Feb, 2020) and I joined Pure Play international slo-pitch softball tournament in Clark with Gary Estrada (Mar, 2020).”
Ngayong nasa new normal na ang lahat sa pakikibaka sa pandemya, di pa rin natigil ang marubdob na suporta ni Katayama sa pambansang koponan at kaisa siya sa patuloy na aktibidad ng team via virtual training ngayong 2021.
” I still contribute my expertise to our coaches and players.Our Men’s National team has zoom training every Mon, Wed and Friday . “I wish that this pandemic will be struck out soon so we can return to the diamond and free to play ball!.”ani Katayama. “I would like to acknowledge the PABA under the leadership of president Chito Loyzaga and secgen Pepe Muñoz and the Philippine sports Commission( PSC) of chairman William Ramirez, coaches and players for recognizing my humble contribution to Philippine baseball”.
Hats off ang korner na ito sa dayuhang may malasakit sa Pinoy tulad ni Katayama. DOMO ARIGATO KEIJI SAN!
More Stories
RECTO NAKATANGGAP NG SUPORTA MULA SA LORD MAYOR NG LONDON
17 BuCor Custodial Inspectors graduate na sa Advanced Training Program
MGA PRODUKTONG GAWA SA BICOL, BENTANG-BENTA SA OKB REGIONAL TRADE & TRAVEL FAIR