INILIBAS na rin sa wakas ng GMA Network nitong Biyernes ang sarili nila mismong Digital Terrestrial Television receiver.
Ang GMA Affordabox ay madaling maikakabit sa analog TV para masagap ang digital television broadcast at malinaw nang mapapanood ang mga programa ng GMA, GMA News TV, at ang inaabangang Heart of Asia channel gayundin ang iba pang free-to-air digital TV channels.
Itatampok din dito ang Heart of Asia channel, gayundin ang iba pang free-to-air digital TV channels.
Sa pamamagitan ng device na ito ay maaring i-record ng mga manood ang kanilang paboritong TV shows. Mayroon din itong USB port, kung saan ang mga gagamit ay maaring mag-play ng mga video, photo, at makinig ng music gamit ang flash drive.
Maaari ding makatanggap ng alerto mula sa NDRRMC kapag may kamalidad sa lugar sa pamamagitan ng Emergency Warning Broadcast System (EWBS).
Mabibili ang device sa halagang P888, mas mura kung ikukumpara sa ABS-CBN’s TV Plus, na mabibili sa halagang P1,499.
Itinaon ang paglulunsad ng “GMA Affordabox” sa ika-70 taong anibersayo ng Kapuso Network.
“In celebration of this milestone of reaching seven colorful decades in the industry, we are more than grateful for the Filipinos’ continued trust in GMA Network as we reaffirm our commitment to deliver excellence in news and entertainment,” saad ni GMA Network chairman and chief executive officer Felipe Gozon.
Mabibili ang “GMA Affordabox” sa online at mga suking tindahan sa mga sumusunod na lugar: : Metro Manila, Benguet, La Union, Pangasinan, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bohol, Cebu, Leyte, Davao de Oro, Davao del Sur, at Davao del Norte.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA