MANILA – Tinanggal ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa puwesto si Armed Forces Deputy Chief of Staff for Intelligence Major General Alex Luna matapos lumabas ang maling listahan ng umano’y miyembro ng New People’s Army na napatay ng tropa ng pamahalaan.
Ayon sa isang press statement, sinabi ni Lorenzana na ang listahan ay nagmula sa tanggapan ni Luna, at hindi maaaring patawarin ang kapabayaang ito.
“His negligence only shows a lackadaisical attitude towards his job resulting in confusion and damage to reputation. We do not take these offenses lightly and I want to hold the people involved accountable,” wika ni Lorenzana.
Epektibo ngayong araw ang kautusan ni Lorenzana.
Inilabas kamakailan ng AFP Information Exchange ang listahan ng mga estudyante mula University of the Philippines na umano’y ni-recruit ng NPA at napatay sa mga engkuwentro laban sa militar.
Pero napatunayan ng ilang mga nasa listahan sa pamamagitan ng isang online reunion na buhay at malaya sila.
Humingi na ng paumanhin ang Civil-Military Operations Office ng AFP ukol sa nasabing listahan.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna