NASAMSAM ng pulisya ang mahigit sa P1.2 milyon halaga ng shabu sa apat na drug suspects, kabilang ang top one drug personality ng National Capital Region Police Office (NCRPO) matapos masakote sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan City.
Ayon kay Northern Police District (NPD) Director PBGen. Eliseo Cruz, dakong 10 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni P/Maj. Ramon Aquiatan Jr. ng buy-bust operation sa No. 194 Heroes Del 96 Brgy. 74 Zone 7 Caloocan City na nagresulta sa pagkakaaresto kay Jesy Boy Cruz, 38, Prince Kevin Esteve, 25, at Marlon Yuki, 36, pawang dating nakulong dahil sa ilegal na droga at nakalaya sa pamamagitan ng plea bargaining agreement.
Narekober sa mga suspek ang nasa 70 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P476,000 ang hahalaga, marked money, cellphone, digital weighing scale, P900 drug money at ilang drug paraphernalias.
Nang tanungin ng mga operatiba ang mga suspek kung sino ang kanilang source ng ilegal na droga ay nakipagtulungan naman ang mga ito at inginuso si alyas Jeff na kanilang Boss at source ng illegal drugs.
Kaagad nagsagawa ng follow-up buy bust operation ang mga operatiba ng DDEU dakong 2 ng madaling araw sa 28 Guido 4 Brgy. 33 District 2 Zone 3 Caloocan City na nagresulta sa pagkakaaresto kay Jeffrey Madera, 40, tricycle drive, matapos bentahan ng P10,000 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Nakumpiska kay Madera ang nasa 110 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P748,000 ang halaga, marked money, digital weighing scale at cellphone.
Sinabi ni P/Capt. Aquiatan, si Madera ang top one drug personality ng NCRPO at siya umano ang matunog na nagbebenta at nagde-deliver ng ilegal na droga sa area ng Camanava.
More Stories
P102K shabu, nasamsam sa Caloocan drug bust
MGA PDL NA MAKAUSAP ANG KANILANG MGA MAHAL SA PAMAMAGITAN NG E-UNDAS
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE