Isa si Pinay boxer Nesthy Petecio na target na makapalaot sa Olympics sa Hulyo. Excited na ang idaraos na 90-day training camp sa Calamba, Laguna.
Ito ay binasagang ‘Calambabubble’. Hindi na rin siya makapaghintay na makadaupang-palad ang kanyang coaches at teammates.
“Noong sinabihan po ako ng mga coaches ko na matutuloy ‘yung bubble training.”
“Masaya po ako kasi sa wakas, makakabalik na rin sa training after [eight] months,” ani Petecio .
“Pero iniisip ko po talaga na kapag nag-start na ang training, kung ano man meron sa loob at kung ano pa.”
“Basta magfo-focus po ako sa training lang at para malahabol po ako sa darating na [O]lympic qualifier.”
Huling sumalang sa boxing ang pride ng Davao del Sur sa Asia-Oceania Boxing Olympic Qualifiers sa Amman, Jordan noong Marso.
Subalit, kinapos sa quarterfinal nang matalo kay Japanese Sena Irie. Nakakopo ng gold medal si Petecio sa 2019 SEA Games.
Nagreya rin siya sa AIBA World Championships sa Russia noong September 2019.
“Focus po talaga sa training, mga 150 [percent] kung maaari po,” ani Petecio.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo