ZAMBOANGA CITY – Naaresto ng anti-narcotics agents ang isang high-value individual (HVI) at nasamsam ang mahigit sa P1.1 milyon halaga ng shabu sa isang anti-drug operation sa nasabing siyudad.
Ayon kay Brig. Gen. Ronaldo Genaro Yllagan, Police Regional Office-9 (PRO-9) director, nadakip ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Zamboanga City Police Office (ZCPO) si Nurhan Ismula,32, sa isang buy-bust dakong alas-8:40 ng gabi noong Biyernes sa Barangay Arena Blanco.
Nakuha kay Ismula ang mahigit sa 97 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P1.1 milyon.
Ayon kay Yllagan, matagal nang minamanmanan ang suspek bago ito maaresto.
Inihahanda na ang kaso laban sa supek dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY