Kung si Philippine Sports Commission Chairman Butch Ramirez ang tatanungin, maigi aniyang tablahin ang Tokyo Olympics.
Kaysa naman sa malagay sa peligro ang kalusugan ng mga atletang Pinoy. Masyado aniyang kritikal dahil nasa gitna tayo ng paglaban sa COVID-19 pandemic.
Dapat aniyang kanselahin ang olympics at maghanda na lang sa 2024 Paris Olympics.
“Ang akin pananaw, I better scrap the Tokyo Olympics and look at Paris Olympics,” aniya.
“Kasi ‘yung pag-prepare ng atleta, lalo na malalaking delegasyon, hindi ganoon kadali mag-prepare.”
“Mahirap talaga ‘pag isa ang nadale diyan sa infection. Para sa akin, save lives muna tayo then prepare for the future,” aniya.
Sa kabila na may vaccine development at may distribution sa ilang bansa, mapanganib pa rin ang magsagawa ng laro.
Lalo na’t kung matatagalan ang pagbibigay ng bakuna. Karamihan sa mga Japanese ay sang-ayon na kanselahin ang olympics.
Subalit, nais ng organizers na ituloy ito sa July 23 sa kabila nang lumulubong bilang ng COVID-cases sa mundo.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!