November 24, 2024

393 BARMM teachers tumanggap ng 3-month salaries


COTABATO CITY – Nakatanggap ng P45,000 bawat isa ang 393 na guro ng pampublikong paaralan sa Bangsamoro Region in Muslim Mindanao (BARMM) matapos ilabas ng gobyerno ang kanilang tatlong buwan na suweldo nitong Huwebes.

Ang naturang halaga ay kumakatawan sa P15,000 per month salary ng mga guro mula Oktubre hanggang Disyembre noong nakaraang taon.

Pinangunahan ni Mohagher Iqbal, BARMM education minister ang pamamahagi ng sahod mula Enero 13-14 sa Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) building sa loob ng BARMM center sa siyudad.

Ang 393 para-teachers ay mula sa Marawi City, Lanao del Sur, at Maguindanao, na may mga temporary appointments dahil hindi pa nila naiipapasa ang licensure examination para sa mga guro.

“With P15,000 salary per month, they were re-employed from provisional to Contract of Service following my request to BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim and the Ministry of Finance, Budget and Management (MFBM) to extend their services until the end of the school year 2020-2021,” wika ni Iqbal.

Isa sa mga ito ay si Joharie S. Mangorsi, 46, na naging isang provincial teacher sa loob ng sampung taon sa Lanao del Sur.

“I was rehired as para-teacher at the Sultan Disimban National High School in LDS Division II,” aniya.

Nakatakdang ianunsiyo BARMM education ministry kung kailan ibibigay ang salaries para sa para-teachers ng island province ng Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.