September 22, 2024

BAGONG TALAGA NA SINA BENHUR ABALOS, MARK LAPID NANUMPA NA

PORMAL nang nanumpa ang mga bagong talaga na sina Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos Jr. at Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZLA) board member Mark Lapid kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang ngayong Lunes.

Pinalitan ni Abalos, dating mayor ng Mandaluyong City, si retired General Danilo Lim bilang MMDA chair. Si Lim ay pumanaw noong nakaraang linggo.

Samantala, itinalaga si Lapid sa Tieza board noong Enero 5.

Taong 2018 nang itinalaga ni dating President Gloria Arroyo si Lapid bilang general manager ng Philippine Tourism Authority, na pinalitan ng TIEZA noong 2009 matapos maisabatas ang Tourism Act of 2009.