NANAWAGAN ang Commision on Human Rigths (CHR) Gender Equality and Women’s Human Rights Center (GEWHRC) na pakawalan ang mga indibidwal na inaresto habang nagsasagawa ng Pride Protest sa Mendiola.
Ang GEWHRC ay nagpahayag ng pakikiisa sa mga lesbian, gay, bisexual, transgender, queer and intersex (LGBTQI+) community na nagsagawa ng Pride Protest nitong Biyernes ng umaga, Hunyo 26.
Ayon sa CHR, ang isyung kinakaharap ng LGBTQI ay walang pinagkaiba sa problemang kinakaharap ng mga Filipino ngayon tulad ng Anti-Terrorism Act at kahirapan dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID) health crisis.
Kaya nanawagan ang CHR para sa agarang pagpapakawala sa mga inaresto upang magamit nila ang kanilang kalayaan sa pagpapahayag at at magsampa ng reklamo sa gobyerno.
Sinabi ng pulisya na inaresto ang mga nagpoprotesta dahil wala silang rally permit at nilabag din nila ang general community quarantine (GCQ) guidelines.
Agad nagpadala ang CHR=National Capital Region ng Quick Response Team upang imbestigahan at idokumento ang dispersal at ginawang pag-aresto.
.“We will continue to be vigilant and continue to uphold our human rights,” ayon sa GEWHRC sa isang pahayag.
(AGILA NEWS TEAM)
More Stories
Bolts tinambakan ang NorthPort
DMW NAG-SORRY SA PAGPAPADALA NG MALING BANGKAY SA PAMILYA NG YUMAONG OFW
SPEED LIMIT SA NAIAX, BAHAGI NG SKYWAY STAGE 3, ITATAAS SA 80KPH