Bumaba ng pitumpo’t siyam na porsiyento o 79% ang bilang ng mga dayuhang nakapagtungo sa Pilipinas ngayong taon.
Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente, dahil ito sa mga paghihigpit o travel restrictions sa naranasang pandemya ng buong mundo na dala ng coronavirus disease o COVID-19.
Sa record ng bureau, tatlo PUNTO limang milyon lamang o 3.5 miliion na pasahero ang dumating sa bansa mula Enero hanggang sa kasalukuyang buwan, o Disyembre 2020, kumpara sa 16.7 million na nagtungo sa Pilipinas noong 2019.
Sa bilang na ito, 2.03 million ay mg Filipino habang 1.54-million dito ay mga dayuhan.
Paliwanag ni Morente, hindi naman nakapagtataka ang pagbaba dahil sa COVID-19 pandemic.
Inaasahan na rin aniya na patuloy ang pagbaba na ito ng mga traveller hanggang sa susunod na ngunit umaasa si Morente na makarerekober sa lalong madaling-panahon ang international travel sector lalo na kung magkaroon na ng bakuna laban sa covid-19 na magpapabalik sa tiwala ng mga stakeholder.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY