November 24, 2024

P4.5-T BUDGET PARA SA 2021 PIRMADO NA NI DUTERTE

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P4.5 trillion na 2021 General Appropriations Act.

Sinabi nni Pangulong Duterte, sinasalamin lamang nito ang kahalagahan ng aktibo at mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng Ehekutibo at Lehislatura lalo na ngayon na ang kalusugan at kapakanan ng mga Pilipino ang nakataya.

Pinakamalaking bahagi ng budget ay inilaan para sa edukasyon, sinundan ng imprasktraktura habang ikatlo naman ang kalusugan.

Nakapaloob rin sa budget na ito ang P72.5 billion para sa purchase, storage, transportation at distribusyon ng COVID-19 vaccines.

Tiniyak ni Pangulong Duterte sa publiko na angkop na gagamitin ng administrasyon ang resources nito para tugunan ang epekto ng pandemya sa bansa. Inihayag ni Pangulong Duterte na sa 2021, ang Pilipinas ay babangon bilang isa.