IIMBESTIGAHAN ng Department of Health (DOH) ang ulat na umano’ ilang sundalo na ang nabigyan ng bakuna kontra COVID-19.
Ito ay kasunod ng pahayag ni Pangulo Rodrigo Duterte na karamihan sa mga sundalo at kanilang pamilya ay natusukan na ng COVID-19 vaccine mula sa Chinese manufacturer Sinopharm, kahit hindi pa aprubado ng Food and Drugs Administration (FDA).
“We still do not have that information. We would be trying to get the information available para makita po natin ‘yan. Inaantay pa rin ho natin magkaroon ng applications from different vaccine manufacturers para maipasok natin sa ating bansa at magamit ang mga bakunang ito,” ani Vergeire. Una na ng sinabi ni Armed of the Philippines (AFP) Spokesman Maj. General Edgar Arevalo na hindi totoo ang report na kumalat na maraming sundalo na ang nabigyan ng bakuna.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA