Sa ikalawang pagkakataon ngayong buwan, muling nakapagtala ng golden treble si world no. 1 e-kata James De los Santos.
Naghari ang 30-anyos na karateka sa third edition ng Athletes E-Tournament. Gayundin sa Okinawa E-Tournament World Series at sa 3rd Dutch Open E-Tournament.
Ang mga title wins na ito ang nagpaigi sa kanyang gold medal haul sa 33.
“Not once, but twice,” saad ni De los Santos.
“To score another hat-trick by winning my 31st, 32nd, and 33rd gold medal is another personal record and achievement before the year ends.”
“But it’s not over yet for me. I still have around three tournaments left to finish before I exit the year 2020 with a bang,” aniya.
Sa pagkapanalo niya ng gold sa Athletes E-Tournament, tinalo ni James si American Alfredo Bustamante, 25.66-25.06.
Dinaig niya naman si Matias Moreno-Domont ng Switzerland sa Okinawa World Series.Ginapi niya naman si Silvio Cerone-Biagioni ng Soutf Africa, 24.4-23.8 sa Dutch Open.
More Stories
GSF TANAY RAVEN SIKARAN HANDA NA SA NATIONAL TILT
MPBL 2025 Season… BAGITO PERO MABALASIK NA DAVAO OCC. TIGERS COCOLIFE KILALANIN!
BOXING LEGEND GEORGE FOREMAN PUMANAW NA, 76