Kapwa nagsalo sina Tokyo Games-bound Carlos Yulo at veteran Rayderley Zapata ng Dominican Republic sa No.1 ranking.
Ito’y sa floor exercise base sa latest rankings na inilabas ng International Gymnastics Federation (FIG).
Parehong nagtala ng 70 points sina Yulo at Zapata batay sa kanilang performance. Kapwa umakyat sa elite tournaments sapol noong 2018.
Kaya naman, inaasahang aabangan ang dalawa sa Tokyo Olympics. Malamang na si Yulo na ang sagot sa gold drought ng bansa sa torneo.
Nakatipon si Yulo ng 20 points pagkatapos makasipa ng bronze. Ito’y sa 43rd Turnier Der Meister FIG Individual Apparatus World Cup in Cottbus, Germany noong 2018.
Nakadale naman siya ng gold sa 2019 FIG Artistic Gymnastics World Cup sa Doha, Qatar. Nakatipon siya rito ng 30 points.
Muli siyang naka-gold sa 2019 Melbourne World Cup in Australia.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!
Football Festival Exhibition Game, idinaos sa loob ng New Bilibid Prison