Kinilala ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang husay ng Valenzuela City makaraang masungkit nito ang dalawa sa pinakamataas na antas sa larangan ng “digital governance.”
Bukod sa DILG, tumanggap din ng papuri si Valenzuela Mayor Rex Gatchalian mula sa National ICT Confederation of the Philippines (NICP) at Department of Information and Communication Technology (DICT) makaraang mapasama ito sa talaan ng “Best in Business Empowerment (G2B) Award” at Best In Business Empowerment (G2P) Award.”
Ang Digital Governance Award (DGA) ay taunang tagisan ng husay ng mga lokal na pamahalaan sa larangan ng e-governance o yaong paggamit ng information technology para sa mas mabilis at sistematikong pamamahala.
Makaraang masungkit ng Valenzuela ang pagkilala, pinasalamatan naman ni Gatchalian ang DILG, DICT, NICP at kanilang mga masisipag na empleyado na aniya’y naging gabay nila para sa epektibong pamamahala gamit ang information and communication technology sa iba’t ibang aspeto ng pamamahala at serbisyo publiko.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna