November 3, 2024

Programa ng Agrarian Reform na palupa sa mga agriculture graduates

Viva La Raza, mga ka-Sampaguita. Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan.

Natuwa ako sa balak ng ahensiya na bigyan ng palupa ang mga nagsipagtapos sa kurso kaugnay sa pagsasaka.

Ipinahayag ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary John Castriciones ang programa ng ahensiya. Sa gayun ay makahimok ng mas maraming kabataang Pilipino na mahilig sa pagtatanim at sa proseso.

Sa gayun, makatulong sila na makuha ang hangaring seguridad sa pagkain para sa bansa.

Ang bagong programa ng DAR ay humihikiyat sa mga kabataan na pumasok sa pagsasaka. Ito’y sa pamamagitan ng programang palupa para sa mga agriculture graduates. Ang mga bagong graduates sa agricultural na kurso, ay aalukin ng tatlong ektaryang lupa bawat isa.

Maaari itong magsilbing kanilang “farm laboratories” na magagamitan nila ng mga teyorya at gawaing natutunan nila sa paaralan.

Makatutulong ang programa na mabigyan ng bagong buhay ang industriya ng agrikulura; sa tulong ng mas batang henerasyon ng mga magsasaka na may mas malaking pag-unawa sa ‘modern farm technology’.

Kailangan natin palakasin ang agrikultura sa ating bansa. Mayroon tayong lupain, mainam na klima at tubig at iba pang resources na kinakailangan lamang mapagana. Kasama ang dagdag na irigasyon, mas modernong farm equipment, mas malawak na pagpopondo at marketing organization.

Hanggang sa muli mga Ka-Sampaguita. Viva La Raza.