November 24, 2024

Serantes at magkapatid na Roel at Onyok Velasco, pasok sa Sports Hall-of-Fame

Tiyak na ang pagsalang sa Hall-of – Fame ng tatlo sa Filipino boxers. Ito’y sina amateur at Olympic medalists pugs Leopoldo Serantes at ang Velasco Brothers.

Ito’y sina Roel at Mansueto ‘Onyok’ Velasco Jr. Napasama ang tatlo sa napili sa mga nominado. Na iluluklok sa Sports Hall of Fame (PSHOF), ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez.

Ito’y dahil sa ginawang pag-adopt ng PSHOF Review Committee sa resolusyon. Na  nagbibigay ng automatic na pagpasok sa listahan ng mga inductees ng mga Olympic medalists ng bansa.

Achieving a medal from the most prestigious games in history is something worth recognizing for a lifetime.

They deserve it even without the process of someone voluntarily proving it for them,” ani Ramirez patungkol sa tatlong dating mga light flyweight bets.

Ang 58-anyos na ngayong si Serantes ay nagwagi ng bronze medal noong 1988 Seoul Olympics. Kinapos siya kay eventual gold medalist Ivailo Hristov ng Bulgaria sa semifinals.

Makalipas ang 4 taon, nanalo rin ng bronze medal para sa bansa si Roel Velasco noong 1992 Barcelona Olympics.

Samantalang nagwagi ang nakababatang kapatid na si Onyok, ay nakaupak ng silver medal sa 1996 Atlanta Olympics.