Pagkatapos likidahin si dating NBA-player Nate Robinson sa boxing match, may bagong naghamon kay Jake Paul.
Isa ring ex-NBA cager ang humahamon sa social media star. Ito ay sa katauhan ni dating Lakers guard Metta World Peace.
Sa laban ni Paul at ni Robinson, isa si Ron Artest (dating pangalan ni World Peace) sa nag-cheered sa player. Natalo ito via knockout ng Youtuber na si Paul.
Dala ng pakikisimpatiya, hinamon ni Metta si Paul. Pero, ang laban ay hindi sa boxing ring. Kundi sa court. One-on-one aniya sila.
“Hey @jakepaul, I see you in the ring calling out ballers. Let’s see you on the court. Me. You.1v1— Metta World Peace,” saad ng cager.
Nagretiro sa NBA ang 41-anyos na si World Peace noong 2017. Pero, balak kumasang muli sa basketball kontra sa 23-anyos na online personality.
Kaugnay dito, binalaan naman ng Twitter users si Paul. Anila, alalahanin nito ang ginawang pagsiko ni WP kay James Harden noon.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo