Sugatan ang isang lalaki nang saksakin ang kanyang sarili matapos makita ang rumespondeng mga pulis makaraang mag-amok habang armado ng patalim sa Malabon City.
Isinugod ng mga pulis sa Tondo Medical Center upang magamot ang tinamong sugat sa katawan ng suspek na kinilalang si John Rey Vasquez, 20 ng Flovi Homes, Brgy. Tonsuya.
Sa report nina PSSg Jeric Tindugan at PCpl Michael Oben kay Malabon police chief Col. Angela Rejano, bandang 10:30 ng umaga nang respondehan ng mga tauhan ng SS-5 ang natanggap na ulat mula sa concerned citizen hinggil sa isang lalaki na nagwawala sa Flovi Homes 1, Paradise Village Brgy. Tonsuya.
Pagdating sa lugar, naabutan nila si Vasquez na nagwawala habang may hawak na patalim subalit, nang mapansin ng suspek ang presensya ng mga pulis ay sinaksak niya ang kanyang sarili.
Kaagad namang inagaw ng mga pulis sa kanya ang hawak na patalim saka inaresto bago dinala sa naturang pagamutan. Mahaharap ang suspek sa kasong Illegal Possesion of Deadly Weapon at Alarms and Scandal.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY