November 23, 2024

FAMILY REUNION AT CHRISTMAS PARTIES, IWASAN MUNA – DOH

PINAALALAHANAN ng Department of Health (DOH) ang publiko na iwasan muna ang pagsasagawa ng Christmas parties lalo na kung ang mga dadala ay mula sa iba’t ibang lugar.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na posibleng tumaas ang kaso ng coronavirus disease sa bansa kung mag-iimbita pa ng ibang tao na nakatira sa ibang bahay.

Mas makabubuti aniya kung ang mga dadalo lamang sa Christmas party ay ang mga indibidwal na nakatira sa iisang bahay.

Sa kabila nito dapat pa rin daw panatilihin ang minimum health protocols tulad ng social distancing.

Hindi rin hinihikayat ni Vergeire ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno at local government units (LGUs) na magsagawa ng outreach programs.

Kung hindi naman daw ito maiiwasan ay dapat pa ring panatilihin ang physical distancing, pagsusuot ng face masks at faceshield, maging ang limitasyon sa bilang ng mga dadalo.