November 3, 2024

Pag-alis ng mga dayuhan, inaasahan para sa buong 2020 – BI

Inaasahan na ng Bureau of Immigration (BI) na magpapatuloy ang pag-alis ng malaking bilang ng mga dayuhan sa bansa hanggang sa katapusan ng 2020.

Ibinahagi ni BI Commisioner Jaime Morente na mula Enero hanggang Setyembre 2020, ay tanging 1.5 milyon na dayuhan ang dumating sa bansa, na karamihan dito ay dumating bago pa ang buong pagpapatupad ng travel restriction. Sa kabilang dako, halos dalawang milyon dayuhan ang umalis sa bansa sa parehong buwan.

Ang exodus, ayon kay Morente, ay epekto ng COVID-19 pandemic, na nag-udyok sa mga paghihigpit sa paglalakbay sa buong mundo.

“Similar to our overseas Filipino workers who wished to come home to their families during the pandemic, a lot of foreign nationals left as well,” said Morente.  “A lot of businesses closed, which also affected the foreign community in the Philippines,” dagdag niya.

Sa listahan ng mga dayuhang umalis ay nangunguna ang mga Koreano na may bilang na 400,000, mga Americans at Chinese na may 300,000 at Japanese na may 166,000.

Sinabi pa ni Morente na ang maraming bilang ng mga Chinese nationals na umalis sa bansa ay dahil sa pandemic.

Ayon sa datos ng BI, sa kalagitnaan ng Setyembre, mas mababa sa 500,000 Chinese national ang nasa Pilipinas.

Lumalabas sa rekord na mula 2013 hanggang 2019, nasa kabuang 6.4 milyon Chinese national ang dumating sa bansa, habang mahigit sa 6.1 milyon ang umalis din sa parehong panahon.

“In 2020, due to the pandemic, for the first time, we’ve seen more departures of foreign nationals than arrivals,” saad ni Morente.

Ayon pa kay Morente na ang pag-alis ng mga dayuhan ay may malaking epekto sa turismo ng bansa.

“The government had made significant strides in improving tourism,” wika ni Morente. 

“However, this pandemic proved to counter all previous efforts,” dagdag pa niya.

“You can see the effect,”  sambit pa ni Morente. 

“Areas that were once booming with foreign tourists, workers, or students are now empty.  We’re hoping that little by little, the confidence of foreign nationals to visit our country, invest here, work here, or study here be renewed as we work to fight this pandemic,” pahayag pa niya.

Sa kasalukuyan, hindi pinapayagan ang mga dayuhang turista na makapasok ng bansa.

 “We hope that Covid-19 be resolved soon, so we may revive the tourism economy which was badly hit by this pandemic,” pagtatapos niya.