Naging guest sa ‘Bawal Judgmental’ segment ng ‘Eat Bulaga’ si world’s top male e-kata karateka James de Los Santos.
Naglaro ang 30-anyos 2020 Sportdata e-Kata World Series gold medal, kung saan hinulaan niya sa mga nasa chamber kung sino ang mga titser. Mga titser na ngatuturo na ng mahigit sa 13 years.
Ayon kay James, galing siya sa online meet. At dahil rest day, pumayag siyang maglaro sa segment.
Bago nito, sumalang sa pagkilatis, nagpamalas pa ng husay sa pag-awit si James. Kaya, tuwang tuwa ang mga Dabarkads.
“Ngayon lang ako nakakita ng karatestang cowboy,” ani Bossing Vic Sotto pagkatapos kumanta ni James.
Naging partner niya si Youtube Vlogger Kimpoy Feliciano na nasa Melbourne, Australia ngayon. nagwagi sina James P45,000. Sumablay lang sila ni Kimpoy ng isang mali.
Kamakailan ay nakasungkit ng 2 gold medals si James sa two consecutive online meet. Ina ay sa E-Tournament World Series at Nox Dojo Markham City Open.
Ang dalawa ng gold medals ay siyang ika-21 at 22 sa kanyang collection sa e-kata tilt.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo