Sinabi ni Philippine Superliga (PSL) Chairman Philip Ella Juico, na ayaw ng mga team owners na maging propesyunal. Ito’y sa kabila na bumubuti na ang sitwasyon ng local sports sa kabila ng COVID-19 pandemic.
Aniya, bukas naman ang liga sa gayung usapin. Ngunit, ang pagtuntong bilang pro ng PSL ay depense sa sitwasyon.
“Perhaps (we could turn pro). It depends on the situation, although seven of our eight team owners recently said we should not go on that path.”
“We should stay where we are,” pahayag ni Juico Philippine Sportswriters Association Forum.
Umugong ang sentiyimento bunsod nang sinabi ni Games and Amusements Board (GAB) chairman Baham Mitra na maaring maging pro ang semi-professional leagues.
Ito’y batay rin sa joint resolution between GAB at Philippine Sports Commission (PSC). Na kung saan, tinitimbang ang estado ng pro at amateur leagues.
Gayunman, hindi naman pinipilit ni Mitra na maging pro ang mga amateur leagues. Subalit, pinaalalahanan sila, batay sa resolution, na ang isang atleta na hindi naglalaro para sa bansa; ay ibinibilang bilang professional.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo