Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na walang pang kaso ng Brucellosis na napaulat sa Pilipinas.
Ito ay sa gitna ng mga ulat na libu-libong tao na ang tinamaan ng bacterial disease sa China.
Sinabi ng DOH na ang publiko ay walang dapat ikabahala dahil walang mga kaso ng bacterial disease sa bansa.
Ayon sa ahensya, nakikipag-ugnayan na sila sa ASEAN Biodiaspora Virtual Center, Philippine Inter-Agency Committee on Zoonoses, Department of Agriculture- Bureau of Animal Industry, at Department of Environment and Natural Resources upang matiyak na hindi makakapasok ang sakit sa bansa.
Ayon sa World Health Organization, ang Brucellosis ay isang bacterial disease na dulot ng Brucella species, na dumadapo sa mga baka, baboy, kambing, tupa, maging sa mga aso.
Naipapasa ito sa tao sa pamamagitan ng direct contact sa mga hayop na dinapuan nito o pagkain ng kontaminadong animal products tulad ng unpasteurized milk o keso.
Ang mga sintomas nito ay lagnat, panghihina at pagbawas ng timbang.
Nabatid na higit 6,000 tao sa Lanzhou, capital ng Gansu Province sa China ang nagkaroon ng sakit.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna