
Isang sundalo mula sa lalawigan ng Capiz ang napatay sa engkwentro sa Sitio Inangaw, Negros Oriental.
Ang biktima ay kinilalang si Private First Class Arjun P. Guillermo, tubong bayan ng Mambusao.
Nabatid na naganap ang engkwentro sa pagitan ng tropa ng 62IB ng Philippine Army at ng mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army.
Humigit-kumulang sa 15 rebelde ang nakasagupa ng mga sundalo.
Nagtamo si Guillermo ng isang tama ng bala sa dibdib na nagresulta ng kanyang kamatayan.
More Stories
Pinuno ng Japanese Crime Syndicate, Nalambat ng BI sa Pampanga
Korte, Nagpasok ng ‘Not Guilty’ Plea para kay Teves sa Kasong Illegal Possession of Firearms
Bike Lane Barriers sa EDSA, Tahimik na Inalis — mga Cyclist, Nanganganib!