Namatay sa loob ng preso si dating NBA-All Star player Eddie Johnson sa edad 65.
Nakulong si Johson noong taong 2006 dahil sa child abuse sa isang 8-anyos na batang babae.Dahil dito, hinatulan siya habambuhay na pagkakabilanggo.
Hindi naman ipinahayag ng mga prison officials ang dahilan ng pagpanaw nito.
Si Johnson ay binansagang “Fast Eddie” na naglaro sa Atlanta Hawks noong 1977 hanggang 1986. Dalawang beses din siyang naging bahagi ng NBA -All Star mula 1980-1981.Bukod sa Hawks, naglaro rin siya sa Cleveland Cavaliers at Seattle Supersonics.
Naasunto siya at naging sangkot sa pagnanakaw, cocaine possession at assault sa mga police officer si Johnson.
Noong 1987, pinatawan siya ng NBA ng lifetime ban dahil sa paggamit ng cocaine. Noong August 2006, pinasok nito ang kwarto ng 8 year old girl at ginahasa. Dito ay naaresto siya at nakulong.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo