Nakumpiska ng mga awtoridad ang higit sa P1-milyon halaga ng shabu sa tatlong sangkot sa droga kabilang ang No. 1 sa top 10 drug personalities ng Northern Police District (NPD) sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan at Valenzuela Cities, Martes ng gabi.
Ayon kay NPD Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, dakong alas-7 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquiatan Jr. sa harap ng BPI Bank, Monumento Circle, EDSA, Brgy. 86, Caloocan City na nagresulta sa pagkakaaresto kay Richie Nevado alyas “Uteng”, 29, (Watchlisted/Surrenderee), No.1 sa top 10 Drug Personalities ng NPD at (dating nadakip noong 2012 sa kasong Rape subalit, nakalaya matapos makapagpiyansa) at Felizardo Pagia, 33, (Watchlisted/Surrenderee), (dating naaresto noong Nov 5, 2017 sa paglabag sa R.A. 10195 at nakalaya noong January 2, 2020 sa pamamagitan ng Parole).
Ani Gen. Ylagan, nag-ugat ang pagkakaaresto sa mga suspek mula sa dating buy-bust operation kontra kay Alvin Ko, No. 2 sa Top 10 Drug Personalities ng NPD na nag-ooperate sa CAMANAVA area at sa mga natanggap na ulat at reklamo ng DDEU hinggil sa talamak na pagbebenta ng ilegal na droga sa kanyang mga parokyano ni alyas “Uteng”.
Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 55 gramo ng shabu na may standard drug price P374,000.00 ang halaga, marked money na binubuo ng isang tunay na P1,000 bill at 5 piraso boodle money, cellphone at motorsiklo.
Ininguso naman ng mga suspek ang pinagkukunan nila ng droga kaya’t agad ikinasa ng mga operatiba ng DDEU ang follow-up buy bust operation sa No. 967, E. De Castro St., Brgy. Malinta, Valenzuela City na nagresulta sa pagkakaaresto kay Anthony Lloyd Molina, alyas “Carding”, 28, bandang 11:20 ng gabi.
Narekober kay Molina ang humigi’t-kumulang sa 105 gramo ng shabu na may standard drug price P714,000.00 ang halaga at marked money na binubuo ng isang tunay na P1,000 bill at 11 piraso boodle money.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY