Tampok muli ang isang actor at rapper sa muling pag-upak ng Universal Reality Combat Championship (URCC).
Sasalang muli ang actor na si Kiko Matos. Inaasahang uupak siya kontra sa sikat na FlipTop rapper na si Damsa.
Unang nakaharap noon ni Matos ang actor na si Baron Geisler at Billy Jack Sanchez. Ngayon naman, hinamon siya ni Damsa.
Game naman siya sa challenge ng rapper. Umatras kasi ang unang hinamon nito na si Badang.
“Kung gusto niya ako labanan… Game! Pero hindi ito fliptop battle. This is MMA,” pahayag ni Matos.
“Damsa, magpakita ka! Kung hinahamon mo ako, magpakita ka sa December 5.’
“Dahil sigurado ako na nandoon ako. Game ako.”
Bago pa man pumirma ng kontrata sa URCC, naipost na ni Damsa sa kanyang social media account ang paghahamon kay Matos.
“Confirmed pala, ‘O Sige, Game! Let’s do this,” sambit ni Matos sa posts ni Damsa sa FaceBook.
Hindi kaila sa actor-turned-MMA fighter na may karanasan na rin si Damsa sa martial arts.
“Ang alam ko, boksingero siya. Nag-background check na ako kung sino siya,” he said. “Boxing pero MMA pinasok niya. Hindi lang ito throw of hands. May kicks dito at may grappling dito,” aniya.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo