Matapos kina Liza Soberano at Angel Locsin, nagpasaring naman si National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Lt. Gen. Antonio Parlade kay Mayor Isko Moreno.
Sa Facebook post ni Paralde, nagtataka ito kung bakit inutos ng alkalde ang propaganda tarpaulin na nagdedeklarang persona non grata sa mga miyembro ng komunistang grupo na Communist Party of the Philippines (CPP), New People’s Army (NPA) at National Democratic Front (NDF).
“I don’t know who ordered it and I’m not privy to the latest decision of NTF ELCAC on this,” ayon kay Paralde.
“But why not? 96 cities nationwide already declared the CPP NPA as PNG, so my question really is WHY JUST NOW in Manila?” tanong pa niya.
“Why would even Manila order the removal of these tarps? Is Mayor Isko welcoming this terrorist? Let’s clarify from Yorme the basis for his action? Is it fear of retribution?” aniya pa.
Ayon sa pahayag ng MPIO noong nakaraang Miyerkules, ipinaliwanag ni Moreno kung bakit tinanggal niya ang mga tarpaulin: “We spread love, not hate, in this time of the pandemic.”
Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng pahayag si Moreno o ang siyudad ng Maynila kaugnay sa isyu.
Naging usap-usapan nitong kamakailan si Parlade matapos nitong warningan ang aktres na si Liza Sobreno dahil sa pagsuporta umano nito sa Gabriela Women’s Party-list. Matatandaang naging speaker si Liza sa “Tinig ni Nene: Reclaiming Our Voice on the International Day of the Girl Child” webinar ng Gabriela Youth.
Maging ang aktres na si Angel Locsin ay hindi nakalusot matapos sabihin nito na “alam” niya ang pagiging NPA ng kapatid na si Angela “Ella” Colmenares sa Quezon province.
Binanggit din niya na ang Pamantasang Lungsod ng Maynila – isang local government university sa siyudad – ay pinamumunuan ng Gabriela.
“Let’s take a look at the leadership of Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. From Pres down, mostly Gabriela and staff of Taguiwalo booted out of DSWD. Who has the appointing power and authority in this university?” tanong pa ni Parlade.
“Yes, Mayor. Let’s give peace a chance in Manila. Keep the terrorist CPP NPA NDF out of it,” saad niya.
More Stories
LTO, NLRC magtutulungan upang mapadali ang labor-related cases na may kinalaman sa motor vehicles
Wala pang person of interest sa kill order ni VP Sara vs Marcos, iba pa – NBI
SEC. GADON, IPADI-DISBAR SI VP SARA