UNTI-unti nang niluluwagan ang community quarantine partikular sa Metro Manila.
Magbubukas na ang higit 50 % sa kabuhayan at malaking porsyento ng transportasyon ang pawawalan pati mga dyipni , angkas at biyaheng lalawigan.
Malapit na ring ilarga ng todo ang mga aliwan at aktibidad pampalakasan.
Ito ay magandang balita sana dahil makakakilos na ang mga tao na tinengga ng salot na pandemya.
Malamang na sa pagpasok ng Nobyembre ay Modified General Community Quarantine(MGCQ) na dahil ayon sa mga eksperto ay bunga ito ng ‘ flattening of the curve’ siyempre nariyan pa rin ang ipinapatupad na health protocol.
May nagawa ring positibo ang pesteng COVID-19 dahil nawala ang kadugyutan dahil kailangan laging malinis ang mga tao sa bahay, paligid, sa trabaho sa tanggapan, kainan, gusali, pamilihan, sasakyan etc.
Nawala ang mga bagamundo, taong grasa , petty criminals at lahat nang masasamang elemento sa kalye dahil sila man ay takot na mag-positibo sa covid-19.
Naglaho din ang mga masamang ugali lalo na sa mga iskwater tulad ng paglipana ng mga bata sa kalye; pasugal pronta ang lamay na halos ayaw nang maglibing dahil pinagkakakitaan, umpukang walang kapararakan, tupada at marami pang gawaing walang urbanidad.
Umayos ang pasada sa mga piling biyaheng itinakada ng otoridad, walang sabit sa estribo, walang tayuan at siksikan sa pampublikong sasakyan kaya walang delihensya ang mga mandurukot, holdaper, laglag-barya pati mga manyakis. Bumait din mga balasubas na drivers at konduktor.
Lumuwag ang kalsada at ‘di naman nami-miss ang dyipni dahil sa mga pamalit na modernong e-jeep na naayos ang mga ruta.
Wala na ring mga pasaway na illegal vendors sa kalye at mga footbridges na lantarang nagbebenta ng mga nakaw na cell phones pati na mga prostitusyon sa kanilang mga pugad sa Avenida, Ermita, Quezon Avenue, Cubao etsetera at marami pang katarantaduhang pinabayaang lumala ng mga otoridad na ginamit pa silang instrumento para pagkakitaan noon tulad ng ploriperasyon ng iligal na droga. Nagpaparamdam na uli sila.
Meron na namang mga ambus gawa ng mga riding in tandem, grupo ng holdaper na pumipitik ng mga pasahero sa Edsa Carousel na mga bus, mga namimigay ng sobreng namamalimos sa mga jeep byaheng Antipolo, Marikina, mga nagbebenta ng aliw sa Aurora, Cubao kahit may Covid-19. Mga dugyot na dyumidyinggel sa bangketa at mga kaskasero at mukhang adik na drivers biyaheng FTI – Ayala at Alabang – Ayala.
Dapat ay ‘di na makabalik ang masamang ugaling kawalan ng urbanidad ang mga tao sa Kamaynilaan sa pagluwag ng alituntunin sa mamamayan lalo na ang ‘di na pagpahintulot sa mga bata na gumala sa gabi at wag i-lift ang curfew para sa kanila.
Huwag nang balikan ang masamang nakagawian… ABANGAN!
Lowcut; Advance Happy Birthday kay businessman/sports patron Daniel ‘Boy’ Francisco ng Spare $ Strike Restaurant diyan sa Evangelista, Bangkal, Makati City
Si Francisco na dating national duckpin bowling champion noong dekada ’90 at entusyastiko sa mga larong basketball, chess, billiards, bowling at mas maestro at idolo bilang isang mahusay na musikero. Kaya sa birthday ni ” Kuya Boy”,,,, JAM na!!! All the best Champ. Acknowledgement sa suporta sa free Arts Clinic for potential kids sa Tarlac.
More Stories
PAGPASA NG P3.5 BILYONG BUDGET NG MARIKINA, NAAYON BA?
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE