Mayroon nang NBA championship trophy si Anthony Davis. Ito ang una niyang championship sa loob eight-year career niya sa liga.
Gayunman, magiging free agent na siya next season. May $28.8 million player option si Davis sa 2021 season. Ang tanong ng ilan, mananatili ba siya sa Lakers o aalis pagkatapos na magkaroon ng championship ring.
‘I have no idea. I don’t know,” saad ni Davis tungkol sa free agency.
‘That’s not exactly what Lakers’ fans want to hear,’aniya.
“I had a great time in L.A. this first year. This has been nothing but joy, nothing but amazement.”
Gayunman, hindi rin siya 100 porsiyentong sigurado sa pananatili sa Lakers. Ang agent niya ang magde-decide tungkol dito.
Pareho nilang agent ni LeBron James si Rick Paul. Hiling ng mga fans na manatili si Davis dahil may kinabukasan siya sa Lakers.May sitsit na rerekta si Davis sa Atlanta o Charlotte. Pero, may remedyo kung sakali rito ang Lakers.
Pwedeng mag-offer ang team ng $32.7 million kay Davis next season. Ito’y bahagi ng part five years cap na aabot sa $189.9 million.
“Me and Bron’s relationship, we’re always close. You guys know that,” ani Davis.
“I got to L.A., he’s the first one to text me, congratulate me, invite me to his house. We kind of celebrated then. We’ve just grown over this past full kind of year, especially here in the bubble, because we were around each other every day,” aniya.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo