Naospital ang dating PBA at Ginebra player na si Ed Ducut, 63-anyos. Ayon sa kanyang anak na si Edong III, na confined sa Floridablanca Doctors Hospital si Ed. Naistroke kasi ito habang nagmamaneho noong September 2.
Batay sa clinical abstract ng mga doctor, pumelo sa 220/110 ang blood pressure ng dating player ng never-say-die team. Naglaro rin si Ducut sa Shell.
“Wala naman pong maintenance si Papa. Mataas po BP niya. Meron po (history of high blood). Sinasabi lang po niya wala,” ayon kay Eduardo III.
“Pero, may nararamdaman po siya. Sila lola po kasi high blood,”
Sinabi ng mga doctor na mainam na manatili sa bahay si Ed. Gayunman, kailangan nito ng oxygen equipment. Ayon sa pamilya nito, umabot umano sa P200,000 ang gugol sa unang araw ng pagkaka-confined ni Ed.
Ayon pa kay Edong, hirap makapagsalita ang kanyang ama.Nagre-response ito kapag kinakausap sa pamamagitan ng pagtango.
Sa awa ng Diyos, unti-unti nang nakare-recover ang dating role player at kakampi ni Jawo sa Ginebra.
“Tumatango lang po siya kasi may butas lalamunan niya kaya di po siya makapagsalita. Tumatango naman siya pag kinakausap,” ani Eduardo III .
Kaya naman, nangangailangan ng financial assistance at panalangin ang pamilya ni Ed. Sa mga may mabuting kalooban na nagnanais tumulong, mangyari pong ipadala ang pera sa Security Bank ni John Eric B. Ducut (0000021935640).
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!