Naipuwersa ng Denver Nuggets ang serye patungo sa Game 7 sa west semis. Ito’y matapos ang dramatic comeback kontra Los Angeles Clippers, 111-98.
Nakabangon ang Nuggets mula sa 16 point deficit sa first half. Umalagwa na sila pagsapit ng third quarter at lumamang pa, 82-79.
Malaking bagay ang nairatsada ng Nuggets na 13-0 run kaya nakahabol sa Clippers.
Nanguna sa panalo ng Denver si Nikolai Jokic na nagsalpak ng 34 points, 14 boards at 7 assists. Nag-ambag naman si Jamal Murray ng 21 points, 5 boards at 5 assists.
“We don’t have pressure. The effort was amazing,” ani Jokic .
“We were down 16 last time, down 16 to Utah – we don’t want it but maybe we like it.”
“We’re good at it. The whole team played well. It was an amazing game for us,” aniya.
Sa panig naman ng Clippers, gumawa si Paul George ng 33 points, 6 boards at 3 assists.
Umalalay naman si Kawhi Leonard ng 25 points, 8 boards at 5 assists. Mulingmahtutuos ang Nuggetsat Clippers sa Martes ( Wednesday PH time) sa Game 7.
Ang mananalo ay haharap sa Los Angeles Lakers para sa west finals.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!