UMABOT na sa 82 katao ang namatay matapos masunog ang isang COVID-19 hospital sa Baghdad dahil sa sumabog na oxygen tank.
Ayon sa ilang saksi at mga awtoridad, nagtalunan sa bintana ang ilang katao para lang makalabas sa nasusunog na gusali.
Sinisi ni Prime Minister Mustafa al-Kadhimi ang kapabayaan ni Health Minister Hasaan al-Tamimi na ngayon ay suspendido habang umuusad ang imbestigasyon kaugnay sa nangyaring sunog sa Ibn al Kateeb Hospital na ikinasugat din ng higit sa 110 katao.
Ayon kay Interior Ministry spokesman Khalid al-Muhanna, karamihan sa namatay at nasugatan ay mga pasyente.
Bukod sa giyera at sanctions, labis ding naapektuhan ang healthcare system ng Iraq dahil sa krisis sa coronavirus, na pumatay sa 15,257 katao at pumalo na rin sa higit 1 milyon ang kaso.
Kinordonan na ng security forces ang ospital, sa Diyala Bridge area ng Iraqi capital, kung saan nagkalat ang sunog na mga gamit at basag na salamin.
“I carried my brother out to the street. Then I came (back) and went up to the last floor which wasn’t burning. I found a girl suffocating, about 19 years old … she was about to die,” sambit ni Ahmed Zaki sa Reuters.
“I took her on my shoulders and I ran down … Doctors jumped onto the cars. Everyone was jumping. And I kept going up from there, got people and came down again.”
More Stories
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
6 tulak, nadakma sa higit P.2M shabu sa Navotas
Higanteng Christmas tree sa Araneta City pinailawan