Nakatakdang tumanggap ng mga ambulansya ang 81 provincial hospitals sa bansa mula sa Pitmaster Foundation ngayong natapos na ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan.
Ayon kay Pitmaster Executive Director Atty. Caroline Cruz, “actually na-i-deliver na ang apat na ambulances sa ilang lalawigan. Unfortunately, naabutan lang tayo ng ECQ.”
Sinabi ni Atty. Cruz na naipamahagi na ang apat na ambulansya sa Culion sanitarium sa Culion, Palawan; sa Batangas Provincial Hospital, Batangas City; Bicol Regional Training and Teaching Hospital, Legaspi, Albay at sa Eastern Samar Provincial Hospital sa Borongan, Eastern Samar.
Nasa 78 ambulansya pa aniya ang nakatakdang ipamahagi ng foundation kabilang na sa Southern Leyte Provincial Hospital, Ilocos Norte Provincial Hospital, Gov. Faustino Dy Sr. Memorial hospital at sa Marinduque Provincial Hospital at iba pa.
Ani Cruz, “gusto kasi ng aming Chairman na si Charlie “Atong” Ang na makatulong ang aming foundation sa immediate transfer and treatment ng mga tinamaan ng COVID sa mga lalawigan.” “Pinag-uusapan na rin ng aming board na tulungan ang national government na makabili ng karagdagang mga COVID-19 vaccine para sa mga mahihirap nating mga kababayan,” dagdag pa ni Cruz.
More Stories
P10.4M Confidential fund nawawala… VP SARA SWAK SA ASUNTO – REP. LUISTRO
PILIPINAS NAGHAHANDA NA PARA MAG-HOST SA FIVB 2025 MEN’S WORLD
BILANG NG KASO NG DENGUE SA NCR LUMOBO