Pumanaw ang isa sa female volleyball icons ng bansa na si Vangie de Jesus. Namayapa si Vangie kamakalawa dahil sa cardiac arrest sa edad na 68.
Si de Jesus ay markadong volleybelle noong dekada 80.Siya ay dating national team captain at three-time Southeast Asian Games gold medalist.
Miyembro rin siya ng Philippine team na sumabak sa 1982 Asian Games sa New Delhi, India. Nakilala siya bilang versatile setter.
Noong kanyang collegiate years, naglaro siya sa University of the East. Kalaunan, naging coach siya ng kanyang alma mater. Naging coach din siya ng FEU Lady Tamaraws.
More Stories
Pinay Lawyer, Pasok sa Top 200 World Rankings sa Padel
Mayor Dante Esteban Cup 2025… SEALIONS PAPASIKLAB SA CALINTAAN, MINDORO OCC.
Mandaluyong Invitational tourney… ‘MIGHTY 9’ NG GSF RAVEN TANAY SIKARAN