Aabot sa 80,000 na nanay na may anak na 0 hanggang 2 years old ang iniasahang makakatanggap ng benepisyo mula sa First 1,000 Days of Life (F1KD) conditional cash grant sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa isang pahayag, sinabi ni 4Ps National Program Manager Gemma Gabuya, sisimulan ang F1KD program ngayong Enero at iginiit na layon ng bagong cash grant na tulungan ang mga 4Ps members na mga buntis at mga may anak na may edad na 0 hanggang 2 taon.
“Kung ang bata ay nag-aral at healthy, mataas yung kanyang potential na makapagtapos ng pag-aaral at makaahon sa kahirapan in the long term,” ayon kay Gabuya.
Ayon sa DSWD, ang 4Ps F1KD cash grant ay isang karagdagang pinansiyal na tulong upang mapaloob ang mga pangunahing gastusin sa kalusugan at nutrisyon sa panahon ng kritikal na yugto ng buhay ng isang bata.
Nilalayon nito na magbigay ng buwanang ayuda na P350 sa mga babaeng benepisyaryo ng 4Ps na buntis at households na may mga anak na 0 hanggang 2 taon.
More Stories
Tulak, kalaboso sa pagbenta ng shabu sa pulis sa Malabon
Driver, arestado sa baril sa Malabon
TUMATAKBONG SENADOR UMABOT NA SA KALAHATING BILYON ANG GASTOS SA KAMPANYA (Pero laglag pa rin sa Magic 12)