November 5, 2024

800 MUSLIM PINAYAGAN SA LOOB NG GOLDEN MOSQUE SA MAYNILA PARA SA PAGDIRIWANG NG EID’L ADHA

TINATAYANG nasa 800 indibidwal ang pinayagan makapasok sa Golden Mosque sa Quiapo, Manila para sa pagdiriwang ng Eid’l Adha o Arabic Festival of Sacrifice sa gitna ng pandemya.

Habang ang ibang hindi nakapasok sa mosque ay pumwesto sa Globo de Oro Street at Elizondo Street para sa morning prayer.

Inabutan ng pag-ulan ang pang-umagang dasal kaya kinailangang putulin ang pagtitipon ng mga tao sa labas ng mosque. 

Ayon sa barangay chairman, nasa 800 katao lang ang pinayagang pumasok sa mosque dahil sa 30-percent restriction kaya napuno ang kalsada ng mga nagdadatingan na mga tao. 

Dalawang beses na nagsagawa ng pang-umanga panalangin para mapagbigyan ang dami ng mga dumating. 

Ito na ang ika-2 beses na ipinagdiriwang ng mga Muslim ang Eid Al Adha sa ilalim ng pandemya. Pero ito rin ang unang beses na nadala ng marami ang kanilang mga anak sa selebrasyon. Ito’y matapos payagang lumabas sa outdoor areas ang mga batang edad 5 taong gulang pataas.

Ikinatuwa ito ng mga pamilya pero sabi nila may pag-iingat pa rin dahil sa banta naman ng Delta variant.