
Tinodas na ng Philadelphia 76ers ang Toronto Raptors sa blow-out win, 132-97 sa Game 6 ng East Round 1. Tinapos na ng una ang serye sa kartadang 4-2. Dahil dito, abante na sila sa semis sa East Division.
Malaki ang naibuslong 80 points combination nina Joel Embiid, Tyrese Maxey at James Harden na 80 points. Kumana ang center na si Embiid ng 33 points at 10 rebounds. Bumanat naman si Maxey ng 25 points at 8 assists. Habang si Harden naman ay pumukol ng 22 points at 15 assists.
Sa panig naman ng Raptors, lumagare si Pascal Siakam ng 24 points at 7 rebounds. Samantalang 19 points at 2 assists ang inambag ni Gary Trent Jr.
Makatatapat ng Philadelphia ang Miami Heat sa best-of-7 semis sa mga susunod na araw.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT