MAAYOS na nailipat ngayong araw sa Leyte Regional Prison sa Abuyog, Leyte ang 70 deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison NBP sa Muntinlupa City.
Ayon kay Bureau of Corrections Director General Pio Catapang Jr., na kabilang sa mga inilipat ay 50 PDL na nanggaling sa Maximum Camp habang ang 20 ay sa Reception and Diagnostic Center sa NBP.
Ang patuloy na paglipat sa mga PDLs sa iba’t ibang operating prisons at penal farms ay bahagi ng decongestion effort ng BuCor at makapagbigay ng karagdagang workforce sa agricultural projects.
Samantala, inihayag din ni Catapang na kanyang isusulong ang pagbuhay sa pagpapatayo ng corrections facilities sa Laur, Nueva Ecija, na naaprubahan na ng regional development council ng Central Luzon noong 2015.
Layon ng naaprubahang proyekto na paluwagin ang NBP at dapat na ipatupad sa ilalim ng public-private partnership na may kinalaman sa pagpapatayo ng correction facilities sa 500 hektaryang lupain sa Laur, Nueva Ecija para as NBP at Correctional Institution for Women. “We need to revisit this project to partially solve overcrowding at NBP and while awaiting funds for the implementation of RA 10575, otherwise known as the BuCor Modernization Act,” ani Catapang.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA