
Patay ang 7 katao habang 150 pamilya ang apektado sa magkahiwalay na sunog sa bayan ng Taytay, Rizal nitong Sabado de Gloria at Linggo ng Pagkabuhay.
Tinatayang nasa P2.5 milyon din ang halaga ng mga ari-ariang natupok sa mga naturang sunog.
Sa Rosario Street sa Barangay San Juan sumiklab ang unang sunog banda 9:47 ng gabi nitong Sabado. Umabot ito sa ikatlong alarma makalipas ang 15 minuto.
Bandang 11:05 ng gabi naideklarang “fire out” ang nasabing sunog.
Nasa 60 pamilya ang naapektuhan ng sunog na tumupok sa 40 bahay. Humigit-kumulang P1.5 milyon ang danyos nito.
Ayon sa acting fire marshal ng Taytay na si F/Insp. Gary Raymon Cantillon, 7 katao ang nasawi sa sunog habang isa ang nasugatan.
Kinikilala pa raw ng mga awtoridad ang mga nasawing biktima.
Nag-overheat na electric fan ang itinuturong posibleng sanhi ng sunog.
More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon