Tinanggap na nina dating Labor secretary Bienvenido Laguezma, overseas Filipino workers advocate Susan “Toots” Ople at economist Arsenio Balisacan na maging bahagi ng Gabinete ni incoming president Bongbong Marcos.
Ito ang kinumpima sa mga reporter ng chief of staff at spokesperson ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez, ngayong Lunes ng hapon.
Dahil dito, pito na ang kumpirmadong miyembro ng Gabinete ni Marcos, kabilang na rito sina Rodriguez (Executive Secretary), Sara Duterte-Carpio (Education), Bunhur Abalos (Interior and Local Government, at Jesus Crispin “Boying” Remulla (Justice).
Pamumunuan ni Laguesma ang Department of Labor and Employment (DoLE), na minsan na rin niyang hinawakan noong 1998 hanggang 2001 sa ilalim ng administrasyon ni Joseph Estrada.
Dati rin siyang naging commissioner ng Social Security System, administrator ng National Conciliation and Mediation Board noong 1987 hanggang 1990, at nagsilbing Presidential Assistant mula 1996 hanggang 1998 sa Office of the President.
Si Ople naman ang kauna-unahang Secretary ng bagong tatag na Department of Migrant Workers (DMW).
Nagsilbi siya bilang DoLE undersecretary noong termino ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Siya ang bunsong anak na babae ng yumaong Senator Blas Ople, na nagsilbi bilang Labor secretary noong panahon ng administrasyon ng yumaong pangulong Ferdinand Marcos sa loob ng 17 taon.
Tinanggap naman ni Balisacan ang alok na maging Kalihim ng National Economic and Development Authority (NEDA).
Ayon kay Marcos, personal niyang pinili si Balisacan dahil sa kanyang pananaw ay pareho sila ng mga panukala pagdating kung papaano dapat harapin ng gobyerno ng Pilipinas ang krisis sa ekonomiya, na dulot ng pandaigdigang pandemya, para sa susunod na anim na taon.
“I asked him to return to NEDA. I worked with him extensively during my time as governor. We have very similar thinking,” wika ni Marcos.
Matatandaan na nagsilbi si Balisacan bilang secretary ng socioeconomic planning at kasabay nito ay naging director-general ng NEDA sa ilalim ng administrasyon ng yumaong president Benigno “Noynoy” Aquino mula 2012 hanggang 2016.
Naalala ni Marcos na siya at si Balisacan ay “nagtrabaho nang husto” noong siya ay gobernador pa ng Ilocos Norte, isang posisyon na kanyang hinawakan mula 1998 hanggang 2007.
“I am confident, I know that he is very competent, I know that his policies are for the betterment of our country, for the employment, development of our economy,” saad niya.
Bukod sa NEDA, pinamunuan ni Balisacan ang iba pang government agencies: Philippine Competition Commission, Philippine Statistics Authority, Philippine Institute for Development Studies, Philippine Center for Economic Development, and Public-Private Partnership Center.
Bago mapasok sa gobyerno, siya ay naigng professor at dean ng School of Economics saUniversity of the Philippines Diliman.
Kinilala rin si Baliasacan bilang pangunahing opisyal na may kahanga-hangang performance pagdating sa ekonomiya ng Pilipinas noong administrasyong Aquino.
Mula 2010 hanggang 2016, ang average growth ng ekonomiya ng Pilipinas ay naitala sa 6.2 percent, pinakamabilis sa loob ng 40 taon sa bansa.
Kinumpirma rin ni Marcos na kanyang pinili si Remulla bilang susunod na Secretary of the Department of Justice (DoJ).
“Many people do not know that he is actually a very, very good lawyer. So, I think he would fit very nicely into the DoJ,” aniya.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY